Huhulihin na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga lalabag sa exclusive motorcycle lane sa Commonwealth Avenue sa Quezon City, simula sa Lunes, Marso 27.
Ito ay dahil hanggang sa Linggo, Marso 26, na lamang ang 7-day extension para sa dry run ng nasabing bagong polisiya.
Katwiran ng MMDA, sapat na ang ibinigay na panahon upang mapaintindi sa mga motorista ang paggamit ng naturang eksklusibong lane.
Magmumulta ng â±500 ang mga lalabag sa exclusive motorcycle lane, ayon sa MMDA.
Simula nang ipatupad ang dry run nitong Marso 9, nasa 18,869 na ang naitalang lumabag nito kabilang ang 4,175 na nagmomotorsiklo at 14,694 four-wheel vehicle drivers.