Inilabas ng Social Weather Station (SWS) nitong Huwebes, Marso 23, na tinatayang 93% ng mga Pinoy ang nagsabing personal nilang naranasan ang epekto ng climate change sa nakalipas na tatlong taon.

Ayon sa SWS, sa 93% na nakararanas ng epekto ng climate change, 17% ang nasabing “severe” ang epektong nararanasan nila sa nakalipas na tatlong taon, 52% ang nakaranas ng “moderate”, habang 24% ang nasabing maliit na epekto ng climate change ang naranasan nila.

Nasa 6% naman umano ng mga Pinoy ang nasabing hindi nila personal na naranasan ang climate change sa nakalipas na taon.

Samantala, lumabas din sa survey ng SWS na 88% ng mga Pinoy ang sang-ayon sa katagang “People like me can do something to reduce climate risk or risks resulting from climate change.”

Nasa 3% naman umano ang hindi sang-ayon sa nasabing kataga habang 10% ang undecided.

“This gives a net agreement score (% agree minus % disagree) of +85, classified by SWS as very strong[i] (+50 and up),” saad ng SWS. “This indicates a very strong personal efficacy to do something to reduce climate risk.”

Ayon din sa SWS, 76% ang naniniwlaang may magagawa ang mga tao para mahinto o mabawasan ang climate change, 23% ang nagsabing hindi ito kayang kontrolin ng tao, habang 1% ang undecided.

Napag-alaman din ng survey na 81% ang dati nang may kamalayan sa climate change, habang 19% ng mga Pinoy ang naging malay lamang dito matapos ang panayam ng SWS.

Kinuha rin sa survey ng SWS ang kamalayan ng mga respondente kung paano mabawasan ang negatibong epekto ng climate change.

“Percentages of those aware of solutions to reduce the negative effects of climate change were very high: 95% for Planting trees in the right places and protecting forests, 95% for Saving energy or electricity at home, 93% for Walking, cycling, or taking public transportation, 91% for Reducing, reusing, repairing, and recycling, and 86% for Throwing away less food,” saad ng SWS.

Nasa 88% naman umano ang nagse-save na enerhiya o kuryente sa bahay; 81% ang naglalakad, nagbibisikleta o sumasakay sa pampublikong transportasyon

“Majorities of those who are aware of each solution reported that their families engage in the solutions to reduce the negative effects of climate change: 88% Save energy or electricity at home, 81% Walk, cycle, or take public transportation, 75% Throw away less food, 74% Reduce, reuse, repair, and recycle, and 63% Plant trees in the right places and protect forests [Chart 8].

“Those aware of each solution who reported that their families might do the solutions are 24% for Planting trees in the right places and protecting forests, 17% for Reducing, reusing, repairing, and recycling, 14% for Throwing away less food, 13% for Walking, cycling, or taking public transportation, and 7% for Saving energy or electricity at home,” dagdag nito.

Ang nasabing mga resulta ay mula umano sa isinagawang survey ng SWS mula Disyembre 10 hanggang 14, 2022, sa pamamagitan ng personal na pakikipanayam sa 1,200 indibidwal na ang edad ay 18 pataas, at may sampling error margin na ±2.8%.