Hinarang ng Bureau of Customs (BOC) na naka-base sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA)-Terminal 1 ang isang Koreano matapos mahulihan ng hindi deklaradongUS$167,300 o katumbas ng₱9.196 milyon kamakailan.

Inaresto kaagad ng mga tauhan ng BOC-NAIA, Enforcement and Security Service (ESS), at Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) ang nasabing dayuhan na hindi na isinapubliko ang pagkakakilanlan.

Dumating sa bansa ang nasabing banyaga mula sa Incheon International Airport sakay ng Asiana Airlines flight OZ701 nitong Marso 17.

Gayunman, nabisto sa kanyang bagahe ang naturang pera matapos isailalim sa physical examination.

Metro

Updated! Road closures at re-routing ng mga sasakyan simula Enero 8, para sa Traslacion 2026

Paalala ng BOC, hanggang US$10,000 lamang ang maaaring ipasok o ilabas sa bansa alinsunod na rin sa batas.

Idinagdag pa ng BOC, nilabag ng dayuhan ang regulasyon ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) saCross Border Transfer of Currencies atRepublic Act No. 10863 (Customs Modernization and Tariff Act).

Nasa kustodiya na ng Customs Police-NAIA ang pasahero at sasampahan ng kasong kriminal.