Tumulong ang aktres na si Nadine Lustre sa mga aktibidad ng Masungi Geopark Project at nanawagan sa publikong iligtas ang Masungi Georeserve na tinuturing umano niyang “very special place”.

“Our honorary park ranger and MMFF Best Actress Nadine Lustre participated in tree nurturing activities at the Masungi Geopark Project, including weeding out grasses and mulching,” pahayag ng Masungi Georeserven sa kanilang Facebook post nitong Lunes, Marso 20.

Ayon sa Masungi, bumisita sa lugar si Nadine dahil nais niyang masaksihan ang kalagayan ng Masungi upang magpakita ng suporta.

“She also shared with us her journey to a vegan lifestyle, which she is embarking on for the welfare of animals and the planet,” saad pa nito.

“Nadine is one of our women allies in fighting for Masungi's future.”

Samantala, ibinahagi naman ni Nadine sa isang video message na pinost ng Masungi Georeserve nitong Martes, Marso 21, kung gaano kahalaga para sa kaniya ang naturang lugar.

“Masungi is a very special place to me because it is where I reconnect with nature. It is also where you can reconnect with nature. And it is a sanctuary for biodiversity. So let's all come together and save Masungi,” ani Nadine.

Ang nasabing Masungi Georeserve, na may lawak na 1,500-ektarya, ay isa umanong conservation area at geological wonder sa Rizal. Ngunit, nito lamang mga nakaraang taon, nahaharap ang lugar sa mga banta mula sa iba't ibang human activities, na nag-udyok sa mga indibidwal at grupo na manawagan ng proteksyon at pangangalaga nito.