Opisyal nang idineklara ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Martes, Marso 21, ang 'dry season' o tag-init sa bansa.
Sa pahayag ni PAGASA Administrator Vicente Malano, ibinahagi niyang natapos na ang malamig na panahong dulot ng northeast monsoon o “amihan”.
“The public is advised to take precautionary measures to minimize heat stress and optimize the daily use of water for personal and domestic consumption,” aniya.
Ayon pa kay Malano, inaasahang magkakaroon ng mas mainit na temperatura sa mga susunod na buwan hanggang Mayo.
"Rainfall across the country will be influenced mostly by easterlies and localized thunderstorms," dagdag niya.
Ang easterlies ay binubuo umano ng hangin na nanggagaling sa dagat Pasipiko at madalas umiiral sa bansa tuwing 'dry season' o tag-init.