Binigyang ng 24 oras si Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves, Jr. upang lumantad sa Kamara matapos mabigong umuwi sa bansa sa itinakdang panahon.

Sa pahayag ng House Committee on Ethics and Privileges, sakaling mabigong dumalo sa pagpupulong sa Kamara si Teves sa Martes ng hapon, irerekomenda ng mga kongresista na patawan ito ng disciplinary sanctions.

Binanggit ni Committee chairperson COOP NATCCO party-list Rep. Felimon Espares, sa mga mamamahayag nitong Lunes, sinimulan na nila ang closed door committee meeting na bahagi ng kanilang motu proprio investigation sa pag-expire ng travel authority ni Teves nitong Marso 9.

"As per approved by the committee, we'll just inform you that we extend our time to let our colleagues respond within 24 hours na umuwi dito. But kung 'di siya makapag-appear personally in our committee, so the committee would really have its decision the appropriate sanctions probably by tomorrow 4 or 5 p.m.," sabi ng kongresista.

National

Bagyong Pepito, nakalabas na ng PAR!

Kamakailan, umapela ang mga kongresista na ipaliwanag ni Teves ang pagkabigong umuwi ng Pilipinas sa kahit wala nang bisa ang travel authority nito sa pagtungo sa Estados Unidos.

Matatandaang sinampahan ng patung-patong na kaso si Teves dahil umano sa pagkakasangkot sa sunud-sunod na pagpatay sa Negros Oriental noong 2019.

Iniimbestigahan din si Teves kaugnay sa pamamaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo sa Pamplona nitong Marso 4.