Ibinahagi ng University of the Philippines Marine Science Institute (UP MSI) na maaaring pasukin ng mahigit pang oil spill ang baybay-dagat ng Calapan City, Oriental Mindoro, dahil sa lumubog na MT Princess Empress sa Naujan, Oriental Mindoro, noong Pebrero 28.

Sa Facebook post ng UP MSI nitong Sabado, Marso 18, tantiya nitong mangyayari ang pag-abot ng marami pang oil spill mula Marso 20 hanggang 22.

"Oil spill trajectories for March 16-22 show a northward shift with Calapan possibly receiving most of the oil from March 20-22," saad nito.

Nakikita rin umano nito ang pag-agos ng oil spill sa kahabaan ng hilagang Mindoro patungo sa Verde Island Passage (VIP).

Matatandaang inilabas kamakailan ng UP MSI na maaaring umabot sa VIP ang oil spill.

BASAHIN: Oil spill, maaaring umabot sa Batangas – UP experts

"The Amihan winds, which contained most of the oil to the coasts of Nauhan and Pola in the previous weeks, are now more variable, allowing the oil to spread northwards," saad nito.

"It is critical to stop the seepage before the end of the Amihan season, otherwise more critical biodiversity areas along the Verde Island Passage may be affected," dagdag nito.