Tinatayang aabot sa ₱1.37 bilyong halaga ng iligal na droga ang nasamsam ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa loob ng 100 araw.

Sa pahayag ngMalacañang nitong Biyernes, ang serye ng operasyon ng PDEA ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na sugpuin ang paglaganap ng illegal drugs sa bansa.

Ang anti-drugs operations ay isinagawa noong Nobyembre 21, 2022 hanggang Pebrero 28, 2023, ayon sa report ng PDEA sa Malacañang.

Sa 405 na operasyon na tumagal ng mahigit tatlong buwan, nakahuli ang PDEA ng 728 drug personalities na ikinakumpiska ng 177.21 kilo ng shabu, 200.22 kilo ng pinatuyong dahon ng marijuana, 565,160 tanim na marijuana, 1,687 gramo ng cocaine at 16,782 ecstasy tablets.