Pinalawig pa ng isang linggo ang dry run ng eksklusibong motorcycle lane sa Commonwealth Avenue sa Quezon City.
Sa Facebook post ngMetropolitan Manila Development Authority (MMDA) nitong Biyernes at idinahilan ang isinasagawang pagkukumpini ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa mga lubak-lubak na bahagi ng motorcycle lane.
Ikinatwiran pa ng MMDA ang sapat na panahon upang makabisado ng mga motorista ang nasabing bagong polisiya.
Nitong Marso 9, sinimulan ng ahensya ang dry run hanggang Marso 19, Linggo, bago sana ang implementasyon nito sa Marso 20.
Nilinaw naman ni MMDA acting chairman Romando Artes, sinimulan ang pagkukumpini nitong nakaraang linggo batay na rin sa kahilingan ng kanilang ahensya bilang tugon naman sa mga hinaing sa social media kaugnay sa hindi maayos na daanan ng mga nagmomotorsiklo sa nasabing kalsada.
"We opt to continue the dry run of the exclusive motorcycle lane along Commonwealth Ave. from Elliptical Road to Doña Carmen and vice versa until March 26. In coordination with the DPWH, their patch works in the area will continue to address the issues on the said road," aniya.
“The MMDA is grateful to the DPWH for acting quickly to our repair works request which would help in lessening accidents. With another week of dry run, we hope to inform more motorists to avoid confusion before full implementation,” dagdag pa ni Artes.