Inihain ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang Senate Bill No. 2002 o ang Across-the-Board Wage Increase Act of 2023, na naglalayong taasan ng ₱150 ang pang-araw-araw na sahod ng mga empleyado sa pribadong sektor ng bansa.
Ayon kay Zubiri, ang nasabing panukala ay naglalayong matugunan ang pamumuhay ng mga manggagawa sa gitna ng inflation.
"A decent life costs a decent wage," ani Zubiri. "If workers are putting in hours and hours of labor, day after day, and yet are still unable to afford their rent, bills, and basic necessities, then there is a problem."
"While our GDP is going up, we have to make sure that our economic growth actually cascades to our people. Otherwise, we're just widening the gap between rich and poor," dagdag nito.
Binanggit din ni Zubiri ang ginawang pagbibigay ng dagdag-benepisyo sa mga manggagawa sa Senado alinsunod umano sa tumataas na halaga ng mga bilihin.
BASAHIN: Inflation assistance para sa mga empleyado sa senado, itinaas sa ₱50,000
"With this bill, I hope to answer similar calls from workers across the country, with an across-the-board wage hike," saad ni Zubiri.
Sa kasalukuyan, ang highest daily nominal wage rate umano sa National Capital Region ay ₱570.00 (non-agriculture), habang ang pinakamababang rate naman ay ₱316.00 (non-agriculture) para sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
"What we want is to lift everyone up, broaden our middle-income class, and ensure that every Filipino has the means to enjoy a genuinely decent life. That means empowering people not just to survive, but to actually achieve a level of comfort that allows them to pursue their personal goals and interests, beyond just their work," ani Zubiri.
Kapag naipasa ang panukalang batas, makatatanggap ng ₱150 taas-sahod ang lahat ng mga empleyado sa pribadong sektor.
Sinumang lalabag umano ay magmumulta ng ₱100,000 hanggang ₱500,000 o kaya naman ay makukulong mula dalawa hanggang apat na taon.
Nito lamang Lunes, Marso 13, isang panukalang batas naman ang inihain sa Kamara ng Makabayan Bloc na naglalayong taasan ng ₱750 ang sahod ng mga manggagawa sa pribador sektor ng bansa.
BASAHIN: ₱750 taas-sahod para sa private sector workers, isinulong sa Kongreso