Patuloy pa rin ang isinasagawang Cash-For-Work (CFW) program para sa mga residenteng naapektuhan ng oil spill sa Caluya, Antique.

Nasa 1,200 na benepisyaryo ang unang grupong sumalang sa programa, karamihan ay mangingisda na nawalan ng kabuhayan dahil sa insidente.

Kabilang ang mga ito sa nagsasagawa ng cleanup operation sa baybayin kung saan kumalat ang tumagas na langis mula sa MT Princess Empress na lumubog sa Naujan, Oriental Mindoro nitong Pebrero 28.

Tatagal ng 15 araw ang programa sa naturang lugar, ayon pa sa DSWD.

Probinsya

Lalaki, nanaksak matapos maingayan sa motorsiklo noong Bagong Taon