Dinakma ng mga awtoridad ang isang pulis na nakatalaga sa Philippine National Police-Aviation Security Group (PNP-ASG) matapos ireklamo ng isang beauty queen na hinipuan umano nito sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA)-Terminal 3 kamakailan.

Kasong paglabag sa Republic Act 11313 o ang Safe Spaces Act (Bawal Bastos Law) ang isinampa laban kay Patrolman Alvin Bonales, na under custody na ng PNP-ASG.

Bukod dito, nahaharap din si Bonales sa kasong administratibo kaugnay ng nasabing insidente.

Sa pahayag ng 25-anyos na biktima, kararating lamang niya sa airport nitong Biyernes, Marso 10, mula sa Boracay at naghihintay na siya ng masasakyan sa arrival area nang maramdaman umano nito na may dumakda sa kanyang puwit.

Metro

Tinatayang 14,000 kapulisan, nakahanda na para sa Traslacion 2025

Kaagad na humingi ng tulong sa PNP-ASG ang biktima. Nang silipin ang kuha ng closed-circuit television (CCTV) camera, nakumpirma na si Bonales ang humipo sa biktima.

Kaagad na ipinaaresto ni PNP-ASG chief Col. Rhoderick Campo si Bonales.