Nakatakda nang maglaho ang iconic na ABS-CBN headquarters sa Diliman, Quezon City na naging unang tahanan sa ilang taon nang programa ng Kapamilya Network at flagship news broadcast na "TV Patrol," bukod sa iba pa.

Ayon sa ulat ng Bilyonaryo, handa umanong pakawalan ng mga Lopez ang naturang gusali bilang hakbang ng kompanya para magpatuloy ng kanilang mga operasyon.

Matatandaang halos tatlong taon na nang mawala sa free TV ang dambuhalang broadcast company na ngayo’y tila target nang maging lider ng content production sa bansa sa kaliwa't kanang partnership ng ilang streaming platforms at TV channels kabilang na ang dating katunggaling GMA Network.

Nakatakda namang lumipat sa 15-palapag na katabing Eugenio Lopez Jr Communications Center ang mga natirang empleyado sa naturang gusali para simulan na ang demolisyon.

National

Suspensyon ng mga klase at trabaho sa gov’t, nakasalalay sa local chief executives — PCO

"Babbler said the move makes practical sense, as ABS-CBN had to sell the land to keep its operations going, and the old building has practically been empty due to the mass layoffs resulting from the loss of the franchise and an increase in remote work, even after the pandemic," anang ulat.

Ang 3.4 ektaryang property ng ABS-CBN sa Sgt. Esguerra Avenue at Mother Ignacia Avenue sa Quezon City ay pagmamay-arian ng network mla pa noong 1968.