Kinilala ng Guinness World Records (GWR) ang 91-anyos Thailand director na si Chalong Pakdeevijit bilang 'world’s oldest TV director'.

Sa ulat ng GWR, pinanganak ang nasabing "King of Action" ng Thailand noong Marso 18, 1931.

"Chalong is a pioneer of action film and TV in Thailand," anang GWR.

Sa mahigit pitong dekadang pagdidirehe niya, nakagawa na umano si Chalong ng mahigit 60 pelikula at TV shows.

Human-Interest

Pambato ng Pilipinas sa research competition sa Taiwan, waging first place

Nagsimula raw ang karera ng beteranong direktor noong 1950 bilang cameraman hanggang sa naging ganap na direktor siya pagkatapos ng 18 taon.

"He is considered to be the first director to achieve financial and critical success beyond Thailand’s borders on the international market," saad ng GWR.

Ilan umano sa pinapopular na pelikang nagawa niya ay may pamagat na "Fhon Tai" (1970), "Fhon Nuea" (1970), "Gold Raiders" (1982), "Eyes of the Condor" (1987), at "In Gold We Trust" (1990).

Nang magsimulang bumaba ang benta ng cinema ticket sa Thailand noong 1990s, lumipat si Chalong sa telebisyon, kung saan din siya nakilala bilang isang magaling na direktor.

Ayon sa Nielsen ratings, napabibilang ang mga show Chalong sa top 10 highest-rated miniseries kada taon sa Thailand.

Siya rin umano ang nag-iisang direktor na nagkaroon ng mahigit isang show sa listahan ng 'top 10 highest-rated TV miniseries of all time' sa Thailand.

Bagama't 91-anyos na, pinagpapatuloy pa rin ni Chalong ang kaniyang hilig sa pagdidirehe at pagbigkas ng mga linyang "lights, camera, action!".