Binisita ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang lamay ng pinatay na overseas Filipino worker (OFW) sa Kuwait na si Jullebee Ranara sa Las Piñas City nitong Lunes.

“I just wanted to offer my sympathies to the family and to assure them that all the assistance that they might need… for the family and for whatever else, ang pangako ko sa kanila. Kaya naman nagsakripisyo ang anak nila na magtrabaho sa abroad ay dahil may mga pangarap siya para sa kanyang pamilya,” ani Marcos.

“Kaya’t sinabi ko dahil nawala na ‘yung anak ninyo kami na lang ang tutupad ng pangarap ninyo. Lahat ng assistance na puwede naming ibigay, ibibigay namin,” paniniyak ng Pangulo.

Kaugnay nito, nagtakda na ang gobyerno ng bilateral meeting sa pagitan ng Pillipinas at Kuwait para himayin ang Bilateral Labor Agreement (BLA) upang maprotektahan ang mga OFW kasunod ng pamamaslang kay Ranara.

National

Super Typhoon Pepito, napanatili ang lakas; Signal #5, nakataas sa 2 lugar sa Luzon

Nauna nang inihayag ni Department of Migrant Workers Undersecretary Hans Leo Cacdac na isasailalim pa sa autopsy ng National Bureau of Invetigation (NBI) ang bangkay ni Ranara.