Mawawalan ng suplay ng tubig ang malaking bahagi ng Quezon City, Caloocan City at Valenzuela City simula Enero 29 hanggang Pebrero 6 dahil sa isasagawang network maintenance.

Sa abiso ng Maynilad Water Services, Incorporated, kabilang sa makararanasng water supply interruption ang Barangay Sangandaan, partikular na sa panulukan ng Benefits at Claims Street, at sa kanto ng Engineering at Premium St. sa Quezon City.

Simula Enero 31 hanggang Pebrero 1, mawawalan din ng suplay ng tubig sa Quezon City ang Brgy.DoñaImelda (Baloy corner Araneta, at Landargun corner Araneta); Brgy. Salvacion at San Isidro (Don Manuel corner Baco); Brgy.San Bartolome, Brgy. Sauyo (Sampaguita corner Sauyo); Brgy.Damayan at Del Monte (Natividad corner Kundiman); Brgy.Bungad at Veterans Village; Brgy. San Antonio (Sto. Nino corner Roosevelt, at San Jose Corner Capillan)

Nasa listahan din ang Brgy.Nagkaisang Nayon at Nova Proper, at Brgy. Bahay Toro; atBrgy. Apolonio Samson (Kaingin corner Toctocan).

Metro

Marikina LGU: Ulat na dinukot ang 4 na menor de edad sa lungsod, fake news!

Sa Caloocan, maaapektuhan nito ang Brgy.93, 97, 98, 101 hanggang 105, 107, 108 at 121, partikular sa panulukan ng 8th Street at 7th Avenue; Brgy.22, 24, 27, 28 at 31; Brgy.92, 94 hanggang 100 (A. Cruz Street corner Macabagdal Street); Brgy.21 hanggang 31 (Dimasalang corner A. Mabini); Brgy.86, 88, 90 at 91 (B. Serrano corner EDSA); Brgy.152 at 153 (Intan corner Milagrosa).

Apektado rin ang Brgy.Gen. T. De Leon, Mapulang Lupa at Ugong (S. Feliciano Street at CF Natividad Street) sa Valenzuela.

Kaugnay nito, umapela rin ang water concessionaire sa mga apektadong customer na mag-imbak muna ng tubig bago ang scheduled interruption.

Philippine News Agency