Dumating na sa bansa ang mga sibuyas na inangkat sa China, ayon kay Bureau of Plant Industry (BPI) chief Glenn Panganiban.

Aniya, kabilang sa dumating kamakailan ang 32 container van ng pulang sibuyas at 16 container van ng puting sibuyas.

Isinasailalim pa aniya pa aniya sa border inspection ang produkto kaya hindi pa naikakalat sa mga pamilihan sa bansa.

Paniniyak naman ni Panganiban na lalabas na sa merkado ang naturang imported na sibuyas ngayong linggo.

Ibebenta rin aniya sa abot-kayang halaga ang produkto.

Kamakailan, nagpasya ang gobyerno na umangkat ng sibuyas matapos itong pumalo sa ₱700 kada kilo sa ilang pamilihan sa Metro Manila.

Matatandaang kinuwestiyon ng mga mambabatas ang pag-aangkat dahil panahon na ng anihan kung saan babagsak na naman ang presyo ng produkto.