Naghamon si Albay 2nd District Rep. Joey Salceda na ipapuputol ang limang daliri kung hindi bababa sa₱50 kada kilo ng sibuyas sa bansa.

Sa panayam sa telebisyon, sinabi ni Salceda, chairman ng House Committee on Ways and Means, malapit nang makahinga nang maluwag ang publiko sa nararanasang pagtaas ng presyo ng sibuyas.

Sa ngayon, umaabot pa rin sa₱600 bawat kilo ng produkto sa ilang pamilihan sa Metro Manila dahil sa kakulangan umano ng suplay nito.

'"Yung₱600 na 'yan, babagsak din 'yan sa₱50 (per kilo). It's natural price," anang kongresista.

National

Super Typhoon Pepito, napanatili ang lakas; Signal #5, nakataas sa 2 lugar sa Luzon

Babalik na aniya sa normal ang presyo ng sibuyas. "You can cut all my 5 fingers if it doesn't go back 50 pesos," paghahamon ni Salceda.

Sinisi rin ng kongresista ang kartel na nasa likod ng pagtaas ng presyo ng produkto.

Aniya, mayroong 50 container van sa Subic port na puno ng imported na sibuyas at unti-unti umanong idini-deliver sa mas mataas na presyo sa gitna ng kakapusan nito sa merkado.

Nagagawa aniya ito dahil sa pakikipagsabwatan ng mga may-ari ng imported na sibuyas sa mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC).

Ipinaliwanag pa niya na aabot lang sa₱18.85 ang kada kilo ng sibuyas sa The Netherlands, China at India kaya iminungkahi rin niya na palakasin pa ang produksyon nito upang hindi na umangkat ang gobyerno.