December 09, 2024

Home FEATURES Human-Interest

Gloria Macapagal Arroyo, ‘Aquino’ na rin pala ngayon?

Gloria Macapagal Arroyo, ‘Aquino’ na rin pala ngayon?
Photo courtesy: GMA Network (FB)

Binatikos ng mga netizen ang naging sagot ni Queen Dura sa latest episode ng “Family Feud Philippines” nitong Martes, Nobyembre 12.

Si Queen Dura ay sumikat sa social media, lalo na sa TikTok, dahil sa kaniyang nakatutuwang content at mga nakaaaliw na linya na nagustuhan ng mga manonood.

Ang kaniyang pagiging natural at masiyahin sa mga videos ang nagpatampok sa kaniya, kaya't mabilis siyang nakakuha ng atensyon at naging popular sa mga netizens.

Sa huling bahagi kasi ng game show na kung tawagin ay “Fast Money,” sinagot ni Queen D ang pangalan na “Gloria Macapagal Aquino” bilang tugon sa tanong na “Magbigay ng sikat na Aquino.”

Human-Interest

Kagaya ng toys: Mga kulay, genderless din giit ng mommy-vlogger

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens:

"Pinakawalang kwentang episode ng PF, ung host na si Dingdong hinagis na lang yung cue cards ng matapos na finally ang episode, next time piliin din ang mga guests."

"Education crisis is very evident."

"Pati Ang host na badtrip sa kanila bukod sa ob..sobrang kulit"

"May Dura ang utak mo dito Nak. Dapat si Self na lang pinaglaro mo"

"Very OA. Hindi dapat sa mass media ito. Mga OVER ACTING talaga di sila dapat pinapalabas sa national TV. Pang social media lng sila. Not mass media."

"As a 2mb ang jutak ng ferson na yan charot"

Sa kasalukuyan, umabot na sa 51k ‘haha’ reacts ito, 687 comments at 2.6k shares ang post.

Mariah Ang