Dumating na sa bansa ang 102 distressed overseas Filipino workers (OFWs) mula sa Kuwait nitong Biyernes, Enero 20.

Sa Facebook post ng Presidential Commissions Office (PCO), naisagawa ang pagpapauwi sa mga nasabing Pinoy worker sa tulong na rin ng Department of Migrant Workers at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

Binanggit ng OWWA na karamihan sa mga ito ay nagkaproblema sa kanilang employer kaya nagdesisyon na lang silang umuwi sa Pilipinas.

Bago ang pagpapauwi, nakituloy muna ang mga ito sa Migrant Workers Office (MWO) sa nabanggit na bansa.

Bago ihatid sa kani-kanilang probinsya, binigyan muna sila ng ₱10,000 cash assistance ng gobyerno.

Nitong Enero 17, nasa 60 sa kanilang grupo ang naunang nakauwi sa bansa.

Bukod sa repatriation, nakatanggap din sila ng P10,000 na cash assistance mula sa pamahalaan.