Solong napanalunan ng isang Davaoeño ang₱35 milyong jackpot prize ng Lotto 6/42 na binola ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Martes ng gabi.

Sa abiso ng PCSO, nabatid na nasa kabuuang₱35,314,806.60 ang napanalunan ng lotto bettor matapos na matagumpay na mahulaan ang six-digit winning combination ng Lotto 6/42 na 34-24-02-06-33-07.

Ayon kay PCSO Vice Chairperson at General Manager Melquiades Robles, nabili ng lucky winner ang kanyang lucky ticket sa Davao City, Davao Del Sur.

Upang makubra naman ang kanyang premyo, pinayuhan ni Robles ang mapalad na mananaya na magtungo sa punong tanggapan ng PCSO sa Mandaluyong City.

National

Matapos rebelasyon ni Garma: Ex-Pres. Duterte, dapat nang kasuhan – Rep. Castro

Kailangan din umano niyang magprisinta ng dalawang balidong ID at ang kanyang lucky ticket.

Ang Lotto 6/42 ay binobola tuwing Martes, Huwebes at Sabado.