Natimbog ng mga awtoridad ang isang consignee sa Las Piñas nang tanggapin ang isang package na naglalaman ng halos ₱90 milyong illegal drugs mula sa Nigeria kamakailan.

Sa pahayag ng Bureau of Customs (BOC)-Port of Ninoy Aquino International Airport (NAIA), naaresto ang suspek sa ikinasang controlled delivery operation nitong Enero 11.

Hindi na muna isinapubliko ang pagkakakilanlan ng suspek habang iniimbestigahan pa ang kaso.

Dumating sa bansa kamakailan ang kahina-hinalang package na idineklarang "snacks" kaya isinailalim ito sa physical examination kung saan nadiskubre na naglalaman ito ng 3,175 gramo ng shabu, ayon naman sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

National

Ilang aktibidad bago ang Nazareno 2025

Nahaharap na sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Anti-illegal Drugs Act), at Republic Act 10863 (Customs Modernization Act) ang suspek.

Philippine News Agency