Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (Covid-19) ang walong Pinoy na dumating sa bansa mula sa China kamakailan.

Sinabi ng DOH, ang walong Pinoy na dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) mula Disyembre 27, 2022 hanggang Enero 2, 2023 ay nagpositibo sa sakit, ayon na rin sa resulta ng kanilang antigen test.

"Based on current protocols, non-fully vaccinated individuals who are unable to present a negative pre-departure test result are tested upon arrival at the airport," sabi ng DOH.

Ayon sa ahensya, under isolation na ang walong nahawaan ng sakit.

National

Dr. Edsel Salvana, nakatanggap ng 'Innovation Excellence Award for Research' mula sa PhilDev

"The DOH continues to remind our kababayans to help prevent transmission through our layers of protection such as sanitation, masking, distancing, good ventilation, and vaccination in addition to practicing healthy habits and a healthy lifestyle," pahayag pa ng DOH.

Kabilang sa naghigpitlaban sa Covid-19 angUnited States, Canada, Japan at France kasunod na rin ng pagtaas muli ng kaso ng sakit sa China.