Heads up, fur parents!

Ilang araw bago salubungin ang 2023, ilang seryosong sitwasyon kagaya ng pagkabalisa ang maaaring maranasan ng mga alagang aso dulot ng tradisyunal na maingay na pagsalubong ng Bagong Taon.

Upang manatiling kalmado at ligtas sa banta ng anxiety attacks ang pinakamamahal na mga furbaby, ang “dog anxiety wrap” ay isang madali at epektibong paraan upang masigurong protektado at ligtas sila sa nalalapit na salubong.

Ang paraan na ito ay simple lang na kinabibilangan ng malumanay na pagbabalot ng alagang furbaby sa isang scarf o maluwag na banda sa oras na mapansin ang mga ito na nakakaramdam ang kanilang pagkabalisa o takot.

Human-Interest

Sculpture ni Josephine Bracken na likha ni Jose Rizal, ipapa-auction

Sa pamamagitan ng scarf, banda o kagayang tela na sapat ang haba upang magkasya sa alagang aso, narito ang tama at epektibong pagsusuot nito sa mga furbaby:

  • Kunin ang isang pirasong tela o banda. Hawakan ito sa harap ng dibdib ng iyong aso.
  • Ibalot ito sa likod ng alagang aso at pa-krus na ilusot sa shoulder blades nito.
  • Huwag itong ibalot sa kanilang leeg.
  • Ilagay ang magkabilang dulo ng banda sa ilalim ng dibdib o tiyan ng alagang aso at muling pa-krus na ilusot ito sa kaniyang likuran.
  • Siguraduhing nakatali nang sapat na higpit ang tela sa alagang aso.

Larawan mula sa website na The Whoot

Ang bandang nakabalot sa aso ay magbibigay sa kanila ng komportable, at ligtas na pakiramdam na katumbas ng isang mahigpit na yakap.

Makatutulong ito sa kanila para huminahon at maiwasan ang labis na kaba o takot dahil sa malalakas na paputok, at paingay sa pagsalubong ng Bagong Taon.