Camp Francisco S. Macabulos, Tarlac City -- Dahil sa patuloy na anti-criminality campaign sa probinsya, umabot sa 52 indibidwal na lumabag sa batas ang naaresto ng Tarlac Police mula noong Disyembre 19 hanggang Disyembre 25.

Sa 52 naaresto, nasa 23 wanted persons ang naaresto sa mga hiwalay na manhunt operations para sa kasong attempted murder, frustrated homicide, rape, theft, serious physical injuries, qualified theft, at iba pang paglabag sa batas.

Nasa pitong indibidwal naman ang naaresto sa anti-illegal drug operations na nagresulta sa pagkakakumpiska ng 23 plastic sachets na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu, at isang ziplocked plastic na naglalaman umano ng dried marijuana.

Bukod dito, nasa 11 indibidwal naman ang naaresto dahil sa illegal gambling na nagresulta sa pagkakakumpiska na P2,639 bet money habang naaresto rin ang ibang pang 11 indibidwal. 

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito