'Yes, she made it.'

Lubos ang pasasalamat ng fur parent na si Helen Grace matapos makabalik sa ligtas na kalagayan ang alaga nitong aso na si "Heaven" na natuklaw ng umano'y Samar cobra.

Sa isang Facebook post, masayang ibinahagi ni Helen na ligtas nang nakauwi sa kanilang tahanan si Heaven na nanatili sa isang vet clinic para gamutin mula sa venom.

"Thank u all for ur prayers. I wish to inform all that Heaven survived the toxins without the antivenom. Yes, she made it," ani Helen.

National

Sen. Bong Go, pinakiusapan si Sen. Imee na pagkasunduin muli sina PBBM, VP Sara

Ayon sa doctor ni Heaven, ilan sa mga nakatulong dito kung kaya nakaligtas sa panganib dulot ng venom ay ang tanda ng aso (dahil mas maliit ang tyansa na makaligtas ang mga batang aso), maaaring kaunting venom lamang ang natanggap nito, at maganda ang naging medication ng vet.

Dalawang linggong nakakalipas, naispatan na ng kanilang pamilya ang ahas na lumiligid-ligid sa kanilang likod-bahay ngunit tagumpay itong nakapagtago.

Disyembre 22 naman nang matagpuan nila ang ahas na wala nang buhay ngunit alam ni Helen na hindi tao ang nasa likod ng pagkamatay nito kaya naman ay agaran niyang inobserbahan ang mga alagang aso.

Nang makitang normal ang ikinikilos ng mga ito, inakala niyang pusa ang nasa likod ng pagkamatay ng ahas.

Bandang alas-siete ng gabi, habang nag-eensayo para sa kanilang thanksgiving, nakatanggap si Helen ng mensahe na naglalaway at nagsusuka si Heaven kaya naman ay agad siyang umuwi para dalhin sa pinakamalapit na vet clinic ang alagang aso.

"Heaven received treatment from Animal Practice past 9 pm but we were asked to look for antivenom. Bite marks were found at her left thigh, left lip and right ear," pagbabahagi ni Helen.

"Past 12 midnight, we came back failed. I was informed she collapsed and was given oxygen. I prayed over Heaven -all of my heart's request. All I have last night was FAITH. Hambal gani hindi pwede mag-doubt sa maobra sang Ginoo. "

"I slept at 3 am. Thanks to the vet and her staff kay salitan sila sa pagpulaw kay Heaven."

Kinabukasan noon ay isinuka ni Heaven ang ilang parte ng katawan ng ahas na kinain pala nito.

"Thanks also to Vet Yara who appeased me -explaining since it was almost 24 hours that she was bitten and no longer shows severe symptoms, Heaven has higher chance of survival," ani Helen.

Lubos naman ang pasasalamat ni Helen na makakasama niya ngayong Pasko si Heaven dahil ligtas ito.

Samantala, pinaniniwalaan naman ng netizens na Samar cobra ang nakatuklaw kay Heaven, kaya naman lubos ang paghanga, awa, at pagdarasal ng mga ito na makaligtas ang alagang aso.