Sinampahan na ng kaso ang tatlong pulis matapos isangkot sa pagdukot sa isang online sabong master agent sa Laguna noong nakaraang taon na ninakawan pa umano ng ₱10 milyon.

Kabilang sa mga kinasuhan ng robbery at kidnapping sinaStaff Sergeant Daryl Paghangaan, Pat. Roy Navarete at Pat. Rigel Brosas, pawang nakatalaga saProvincial Intelligence Branch (PIB), Laguna Police Provincial Office.

Ang kaso ay isinampa ng mga prosecutor ng Department of Justice (DOJ) sina Staff Sergeant Daryl Paghangaan, Patrolman Roy Navarete at Patrolman Rigel Brosas.

Inakusahan ang mga ito na dumukot kayRicardo Lasco sa bahay nito sa San Pablo, Laguna noong Agosto 30, 2021.

Probinsya

Lalaki, nanaksak matapos maingayan sa motorsiklo noong Bagong Taon

Binanggit ng DOJ, nagpapanggap na mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang grupo ng tatlong akusado nang lusubin nila ang bahay ni Lasco na inaaresto dahil umano sa kasong estafa.

Nawawala pa rin si Lasco mula nang maganap ang insidente.

Ang kaso ni Lasco ay isa lamang sa mga insidente ng pagkawala ng mahigit pa sa 30 na sabungero noong nakaraang taon.