Matapos ang apat na taon, balik-Pilipinas sa susunod na taon ang Canadian pop star na si Carly Rae Jepsen para sa kanyang full headlining set na "Wanderland: The Comeback."

Sa inilabas na anunsyo ng nitong Lunes, Disyembre 19, ng Wanderland Music & Arts Festival, si Jepsen ay headliner para sa festival na magaganap sa Marso 4 at 5, 2023.

"We’re really, really, really excited to announce that Carly Rae Jepsen’s FULL HEADLINE SET is happening at Wanderland this March 2023!: anang Karpos Multimedia.

National

Sen. Bong Go, pinakiusapan si Sen. Imee na pagkasunduin muli sina PBBM, VP Sara

"#CarlyRaeJepsen has been renowned as a modern-era pop genius. She has undeniably mastered the art of creating music that’s strikingly pop paired with a serious lyrical punch–maybe that’s why us listeners can’t keep away from her,"

"A huge party for everyone awaits when the fan-favorite Canadian superstar hits the #WanderlandMusicFest stage!"

Makakasama ni Jepsen ang Phoenix, Sunset Rollercoaster, Men I Trust, No Rome, Stephen Day, Balming Tiger, George, Blaster at The Celestial Klowns, Leo Wang , August Wahh at The Sundown, at marami pa sa music event.

Kamakailan lang, naglabas si Jepsen ng Broadway-inspired music video para sa kanyang pinakabagong single na "Surrender My Heart,"

Nakilala si Jepsen noong 2012 sa kanyang maituturing na greatest hit na "Call Me Maybe."

Huling nagtanghal si Jepsen para sa kanyang 'Pinoy fans noong 2019.