Iminungkahi ni Senador Robinhood “Robin” C. Padilla ang kanyang hiling para sa legalisasyon ng marijuana sa medikal na paraan.

Sa naganap na ikalawang hybrid na pagdinig ng Health and Demography Subcommittee, pinangunahan ni Padilla, sinabi nito na dahil sa kanyang personal na karanasan, na nawalan ng kaibigan dahil sa isang sakit, ang nag-udyok sa kanya na maging tagapagtaguyod ng paggamit ng marijuana sa medikal na usapin.

"I am also motivated to push for the passage of this measure by the stories of many Filipino patients and their loved ones who were deprived of accessing the drug,”

Sinuportahan naman ito ni Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa sa pamamagitan ng panawagan sa mga tututol na buksan at lawakan ang pag-iisip na magiging magandang dulot nito.

National

Ilocos Norte, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Sa kabilang banda, hinimok din niya na ang lahat na mag-isip din ng mga paraan upang maiwasan ang posibleng pang-aabuso sakaling maging batas ang panukala.

Sa pagpapatuloy ng hybrid na pagdinig ng Committee on Health and Demography, sinabi ni Dela Rosa na batid niya na ang dahilan kung bakit marami ang tutol sa legalisasyon ng medikal na marijuana ay dahil sa posibilidad na ito ay mauwi sa pang-aabuso.

Sinabi ni Dela Rosa na dapat din nilang tingnan ang mga posibleng benepisyong maibibigay ng batas sa mga may sakit.

Aniya, naniniwala siya na may mga magagandang dahilan ang mga mambabatas na sumusuporta at maging tumututol sa panukala ngunit maganda na subukan ang ito at maging bukas sa mga posibilidad.

Samantala, hinimok naman ni Sen. Nancy Binay ang Dangerous Drugs Board (DDB) na bumuo ng mekanismo o sistema na magpapabilis sa pagproseso ng request approval para sa medikal na paggamit ng cannabis.

Sinabi ni Binay na ang DDB ay dapat na magbalangkas ng isang sistema ng pagproseso para sa mga ganitong uri ng kahilingan sa ngayon. habang hinihintay ang Kongreso na aprubahan ang isang implementing law sa legalisasyon ng marijuana.

"While waiting for this bill to pass, maybe, on the part of the DDB, you can fix the system to make it more convenient and easier for patients that really need cannabis,”anang senadora.