Kumpiyansa si Atty. Alma Mallonga na maabsuwelto ang kanyang kliyente na si television host, comedian Vhong Navarro kaugnay ng kinakaharap na kasong rape na isinampa ng modelong si Deniece Cornejo.

"We are very, very confident that because Ms. Deniece Cornejo has already testified, that he will be acquitted. That's my fearless forecast," sabi ni Mallonga sa isang television interview nitong Huwebes.

Ang reaksyon ng abogado ay kasunod na rin ng pagpayag ng korte na makapagpiyansa ang aktor.

Nitong Disyembre 6, pansamantalang nakalaya si Navarro matapos magpiyansa ng ₱1 milyon.

Eleksyon

SP Chiz matapos ang eleksyon: 'Oras na para isantabi ang pulitika!'

Aniya, "magkakasalungat" umano ang testimonya ni Cornejo nang isalang niya ito sa cross-examination kaugnay ng hiling ng aktor na makapagpiyansa.

"As you know, in rape cases, the most important witness is actually the rape victim herself. Because everything will stand or fall based on her testimony and we did have the opportunity to cross-examine Cornejo," banggit ng abogado.

Plano aniya ng kanilang kampo na mapabilis ang paglilitis.

Nauna nang itinakda ng Taguig City Regional Trial Court ang pagsisimula ng paglilitis ng kaso sa Pebrero 16, 2023 at tatagal ito hanggangAbril 11, 2024.

Matatandaang inakusahan ni Cornejo si Navarro na gumahasa umano sa kanya sa condominium unit nito sa Bonifacio Global City noong Enero- 17, 2014.