GENERAL TRIAS CITY, Cavite – Isang menor de edad ang nakuwelyuhan sa kasong “akyat bahay” o pagnanakaw sa Barangay Pinagtipunan noong Martes, Disyembre 6.
Kinilala ng General Trias City Police Station ang child in conflict with the law (CICL) na si alyas Cris, 16.
Sa inisyal na imbestigasyon, lumabas si alyas Cris na puwersahang pinasok ang dalawang magkahiwalay na apartment at ninakaw umano ang isang laptop, cellphone, relo, at cash na may kabuuang halaga na P61,200.
Sa isang follow-up operation, kinulong ng Barangay Peacekeeping Action Team ang CICL at dinala siya sa himpilan ng pulisya.
Narekober din ng mga operatiba ang ninakaw na laptop at relo sa kanyang hawak.
Ipapasa si alyas Cris sa City Social Welfare and Development Office.
Carla Bauto Deña