Tumaas na naman ang positivity rate ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) sa Metro Manila at sa 12 pang lalawigan sa Luzon, ayon sa isang independent monitoring group.

Sa kanyang social media post, sinabi ni OCTA fellow, Dr. Guido David, umakyat sa 12.4 porsyento ang positivity rate sa National Capital Region (NCR) batay na rin sa kanilang monitoring simula Nobyembre 26 hanggang Disyembre 3.

Bukod sa NCR, lumobo rin ang positivity rate ng sakit saBataan, Cagayan, Camarines Sur, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Laguna, Nueva Ecija, Pampanga, Pangasinan, Quezon, Rizal, at Zambales.

Sa 12 na lalawigan, pinakamataas ang positivity rate na naitala ang Nueva Ecija (39.1 porsyento mula sa dating 32.9 porsyento nitong Nobyembre 26), sinundan ito ng Camarines Sur, at Isabela.

National

'Julian,' napanatili ang lakas; Signal No. 3, itinaas sa 2 lugar sa Luzon

Bumababa naman ang bilang ng nahawaan sa sa 10 na lugar na kinabibilangan ngAlbay, Batangas, Benguet, Bulacan, Cavite, Isabela, Kalinga, La Union, Mountain Province, at Tarlac.

Nitong Linggo, Disyembre 4, naitala ng Department of Health (DOH) ang 1,173 bagong bilang ng sakit--ito na ang ikaapat na sunud na araw na nakapagtala ang bansa ng mahigit sa 1,000 kaso ng Covid-19.