Kasunod ng kanilang “Magpasikat 2022” performance nitong Huwebes kung saan binigyang-pugay ni Vice Ganda ang mga manggawa, at persons with disabilities (PWDs), isang maagang pamasko ang handog ng host sa buong 300 na tauhan ng kanilang programa.

Bago nito, emosyonal na mensahe ang ipinaabot ng “Unkabogable Star” sa mga tauhan ng noontime show na aniya’y may malaking ginagampanan para sa patuloy nilang pagpapasaya sa madlang people.

“Maraming, maraming salamat. Napakalaki ng ginagawa niyo para sa programang ito. I would personally like to apologize kung meron tayong minsan hindi pagkakaunawaan,” anang host.

Dagdag ni Vice, “Lahat ‘yun, nangyayari lang dahil pinipilit nating gampanan ang ating mga obligasyon para sa programa, sa audience natin, sa network. Lahat naman ng iyon, all coming from love. Hindi maiiwasan iyon sa isang pamilya.”

Tsika at Intriga

Rita Avila, napatanong: 'Sino at ano ang sasagip sa mga Pilipino?'

Sunod na nagpaabot ng paumanhin ang Kapamilya host sa mga naging “pagkukulang at sablay sa isa’t isa” ng “It’s Showtime” family.

Nagdiwang naman ang mga tauhan ng programa nang muling hiningi ni Vice Ganda ang eksaktong bilang ng kanilang staff.

&t=102s

“Mamaya, P300,000 para sa inyo, pang-early Christmas bonus!” sunod na bulalas ng host na agad na ikinatuwa ng staff.

Maliban dito, sampung wheel chair din mula sa Kapamilya host ang ibabahagi niya sa mga nangangailangang kababayan.

Nitong Mayo lang din, nauna nang namigay ang host ng tig P5,000 sa nasa 130 staff ng “It’s Showtime” na tuloy-tuloy pa rin ang pagtatrabaho noong kasagsagan ng pandemya.

Basahin: Vice Ganda, namigay ng ₱5000 cash bonus sa buong staff ng ‘It’s Showtime’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Isa sa pinakakilala at pinakamatagumpay na TV personality sa bansa, si Vice Ganda ay kilala rin sa kaniyang pagtulong sa mga nangangailangan na kadalasan ay natutunghayan sa kanilang noontime show.

Ang “It’s Showtime” ay nagdiriwang ng kanilang ika-13 anibersaryo ngayong taon.