Nagpahayag ng pagsuporta si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa hakbang ng South Korea na i-denuclearize ang Korean Peninsula.

Sa isang bilateral meeting sapagitan nina Marcos at South Korean President Yoon Suk-yeol kasunod na rin ng pagdalo ng Pangulo sa40th, 41st ASEAN Summit and Related Summits sa Phnom Penh, Cambodia,nagpahayag ito ng pangamba sa patuloy na missile testing ng North Korea, pahayag ng Office of the Press Secretary nitong Sabado.

“This is of great concern and we are fully supportive of the Republic of Korea in all your efforts to denuclearize North Korea,” sabi ni Marcos kayYoon.

“The Philippines is one with you on that and we will do what we can to assist South Korea in that effort," pagbibigay-diin ni Marcos.

National

‘Julian,’ mas lumakas pa; Signal No. 3, itinaas na

Nitong Nobyembre 4 ay kinondena ng Pilipinas ang pagpapalipad ng missile ng North Korea at sinabing nagpapalala lang ito ng tensyon at sisira sa kapayapaan sa rehiyon.