Opisyal nang inanunsyo ng Miss Grand International (MGI) organization ang pag-appoint sa pambato ng Pilipinas na si Roberta Angela Tamondong bilang 5th runner-up.

Sa isang Facebook post ng MGI, nag-upload ito ng isang video bilang pagkilala kay Tamondong bilang parte ng "Grand Family."

"Miss Grand International Organization would like to announce the appointment of Roberta Angela Tamondong, Miss Grand Philippines 2022 as the new 5th runner-up of Miss Grand International 2022. She will be a part of the Top10 and will continue her mission with the MGI team for a year," pahayag ng organisasyon.

"Congratulations and welcome to the #GRAND family," dagdag pa nito.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Ayon sa alituntunin ng organisasyon, kokoronahan bilang "5th runners-up" ang Top 6 to 10 candidates na bigong makalusot sa Top 5.

Matatandaan na Oktubre 28 nang inanunsyo ng MGI organization na nagbitiw si Miss Grand Mauritius Yuvna Rinishta bilang fifth runner-up, kahit na tatlong araw pa lamang ang nakakalipas nang koronahan ang mga nagwaging kandidata noong October 25 sa Indonesia.

"Miss Yuvna Rinishta (from Mauritius) made the decision to resign from her title due to she's not able sign the contract and complete the duty as 5th runner up. She can no longer use the title with immediate effects," anang pageant organization.

Ayon sa isang resignation na pirmado ni Nawat Itsaragrisil, presidente ng MGI, nakalagay dito na kaya nagbitiw si Rinishta ay dahil hindi kaya nito gampanan ang mga obligasyong kaakibat ng kanyang position.

Ang pahayag na ito ay itinanggi ni Rinishta, at sinabi na kaya siya nagbitiw sa pwesto ay dahil hindi tugma ang pakikitungo ng MGI sa Miss Grand Mauiritius at sa iba pang organisasyon.

“Our Queen @yuvrnt resigned personally due to not being aligned with @missgrandinternational latest behaviour with our organisation and others. So we request @missgrandinternational to stop publishing these fake news," ani Rinishta.