Nagpakawala na ng tubig ang Magat Dam sa Ramon, Isabela dahil sa rin patuloy na pag-ulan dulot ng bagyong Paeng, ayon sa National Irrigation Administration (NIA).
Sa pahayag ni NIA-Magat River Integrated Irrigation System (MARIIS) department manager Gileu Michael Dimoloy, isang radial gate lang ang binuksan kung saan aabot sa 186 cubic meter per second o katumbas ng 930 drums ng tubig ang paunang pinakawalan.
Nitong Biyernes, isinapubliko ng NIA na magpapakawala sila ng tubig na aabot sa 200 cubic meter per second ngayong Sabado.
Sa huling datos ng NIA-MARIIS, aabot sa 187.04 meters ang water level ng dam, mas mataas kumpara sa mahigit 186 meters sa mga nakalipas na mga araw.
“Matindi ang inflow natin from upstream kasi malalakas na ang ulan kahapon. May mga pag-ulan pa, kaya we expect more inflow coming in to our reservoir,” sabi ni Engr. Carlo Ablan,general manager ng Dam and Reservoir Division, sa panayam sa telebisyon.
Inaasahan namang maapektuhan ng inaasahang pagbaha ang ilang bayan sa Isabela, ayon pa sa ahensya.