'Na-engkanto' o hindi naman kaya ay 'binangungot,' iyan ang ilan sa iba't ibang bersyon ng mga kwento, chismis, o hindi naman kaya ay sabi-sabi sa mga naging karanasan ng mga kilalang artista.

Narito ang ilan sa mga 'Pinoy na umano'y "na-engkanto" o hindi naman kaya'y "binangungot," na ang ilan sa kanila ay yumao na.

Una na sa listahan ang artistang si Ricardo Carlos Castro Yan o mas kilala sa pangalang Rico Yan o hindi naman kaya ay "Mr. Dimples." Noong Marso 29, 2002, sa edad na 27, pumanaw ang aktor habang nasa bakasyon sa Dos Palmas Resort sa Palawan.

Ayon sa mga report, cardiac arrest due to acute hemorrhagic pancreatitis ang naging sanhi ng kanyang kamatayan o "bangungot."

Human-Interest

Guro, kumasa sa ipon challenge para mabigyan ng Christmas party kaniyang advisory class

Bago-bago lamang ang kwento na binalikan ng singer-songwriter at artistang si Maris Racal sa ikalawang season ng "Secret Movie Files."

Sinabi ng producer na si Marjorie Lachica na nagkaroon si Maris ng mga pantal sa balat habang nagaganap ang shooting para sa pelikulang "Bloody Crayons," bagama't hindi nila malaman ang sanhi.

Hindi lamang bastang "kati-kati" ang naramdaman ni Maris kundi pangungulubot na rin ng mukha. Kaya naman sa espekulasyon niya, na-engkanto na siya noon dahil wala naman siyang allergy sa kagat ng hantik.

Kasama rin sa set ng Bloody Crayons ang artistang si Yves Flores na ibinahagi ang umano'y engkanto experience ng kanyang driver noong pauwi na sila.

Ani Yves, hindi na napigilan ng kanyang driver ang byahe kaya naman ay umihi na ito sa isang puno. Pagdating ng driver sa EDSA ay biglang nilagnat ito at sobrang taas pa. Kaya naman, pinaalalahanan ni Yves ang kanyang driver na maging maingat na sa susunod.

Hindi rin nakaligtas sa publiko ang pagkamatay ng aktres na si Julie Pearl Postigo o Julie Vega noong May 6, 1985. Nagkasakit umano si Julie matapos niyang makumpleto ang 1984 Metro Manila Film Festival entry na “Lovingly Yours, Helen (The Movie).”

Ayon kay Mrs. Perla Postigo, ina ni Julie, ang kanyang anak na ay namatay dahil sa cardiac arrest at naapektuhan ang motor at sensor nerves.

Ngunit para sa ilang residente ng Mt. Manalmon sa San Miguel, Bulacan, napaglaruan ng mga duwende si Julie at ayon sa sabi-sabi, nakursunadahan siya ng mga engkantong naninirahan sa bundok kung saan sila nag-shoot.

Maraming nagulat sa pagkamatay ng aktor na si Marky Cielo lalo na na on-going pa ang television series na "Zaido: Pulis Pangkalawakan," na kung saan ay isa siya sa mga bida kasama sina Dennis Trillo at Gallian Magdalion.

Sa edad na 20, natagpuang patay sa kanyang silid sa Antipolo City noong Disyembre 7 si Marky. Hindi pa malinaw ang mga pangyayari sa kanyang pagpanaw. May mga paulit-ulit na ulat na pinatay niya ang kanyang sarili, ngunit mariin itong itinanggi ng kanyang pamilya. Tumanggi rin ang pamilya na ipa-autopsy ang mga labi ni Marky, at nakadagdag ito sa misteryo.

Isinugod pa siya sa ospital kung saan idineklara siyang dead-on-arrival dahil umano sa acute pancreatitis.