Sapat pa ang pondo ng gobyerno para sa mga lugar na tinamaan ng kalamidad hanggang Disyembre ng taon.  

“As of today, mayroon tayong available pa na mahigit ₱1.4 billion na pondo for stockpiles at standby funds ng ahensya at mahigit P450 million dito ay available standby funds para dito sa ating central office at field offices,” paglalaad ni DSWD Undersecretary Eduardo Punay.

“So handa po tayo at meron po tayong pondo hanggang sa katapusan po ng taon para rumesponde sa pangangailangan ng ating mga kababayan na maapektuhan po ng mga bagyo at ng mga kalamidad,” aniya.

Kaugnay nito, sinabi ng opisyal na inumpisahan na nilang mamigay ng ayuda sa mga pamilyang naapektuhan ng 6.4-magnitude na lindol sa Abra nitong Martes.

Probinsya

Lolang bibisita sa City Jail, timbog matapos mahulihan ng ilegal na droga

Namahagi na rin aniya sila ng ayuda sa walong pamilya na napinsala ang bahay sa naganap na pagyanig sa Dingras, Ilocos Norte.

Aniya, ang nasabing cash aid ay mula sa Assistance to Individuals in Crisis Situation program ng ahensya.