Suspendido na ang klase sa Ilocos Norte sa lahat ng antas, pampubliko at pribado, at pagtatrabaho sa mga tanggapan ng gobyerno ngayong Miyerkules, Oktubre 26, upang unahin ang pagtatasa ng pinsala sa imprastraktura kasunod ng magnitude 6.7 na lindol ng Martes ng gabi.

"Classes at all levels in both public and private schools and work in government offices in Ilocos Norte are suspended tomorrow, October 26, 2022, to prioritize the inspection of infrastructure damages following the recent earthquake," ani Ilocos Norter Governor Matthew Marcos Manotoc.

"Heads of private companies are encouraged to take all precautionary measures to ensure the safety of their personnel. Please take care," dagdag pa niya sa kanyang Facebook post.

National

Ilang araw bago ang New Year: Bilang ng mga naputukan, pumalo na sa 69

Niyanig ng magnitude 6.7 na lindol ang probinsya ng Abra, na naramdaman sa mga kalapit na lugar.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), tumama ang lindol 10:59 ng gabi, kung saan ang sentro ng lindol sa Tineg, Abra, at may lalim na 28 kilometro.

Nagbabala ang ahensya sa pinsala at aftershocks.

Naiulat ang Intensity V sa Sinait, Ilocos Sur; Intensity IV naman sa Baguio City.

Ang tectonic tremor, na tumama sa mga 7 kilometro hilagang-kanluran ng bayan ng Tineg noong 10:59 p.m., ay ang pangalawang malaking lindol na tumama sa lalawigan pagkatapos ng 7.0 na lindol noong Hulyo 27, na sumira sa mga istruktura at pumatay ng hindi bababa sa 6 na tao.

Matatandaan na nito lamang Hulyo 27, niyanig ng magnitude 7 na lindol Luzon na kung saan ang Abra naging sentro nito.

Ang nasabing lindol ay napaulat na sumira sa mga istruktura at pumatay ng hindi bababa sa anim na tao.