Nakarating na sa pamahalaan ng lungsod ng Malabon ang mga ulat na hindi pa nakatatanggap ng kani-kanilang sahod simula pa noong buwan ng Hunyo ang mga propesor sa lokal na pamantasan sa nasabing lungsod.

Maraming propesor ng City of Malabon University (CMU) ang dumadaing sa halos tatlong buwang hindi pagpapasahod sa kanila.

BASAHIN: Professors ng isang local university sa Malabon, hindi pa nakakasahod simula Hunyo — Reports

Sa opisyal na pahayag ni Malabon City Mayor Jeannie Sandoval, sinabi nitong iniimbestigahan na nila ang isyu at nakikiisa siya sa mga propesor sa panawagan na maibigay na ang buwanang sahod.

Metro

Tricycle driver, pinagtulungang patayin ng mga kapitbahay?

Larawan: City of Malabon University/FB

"Mayor Jeannie Sandoval stands with the University professors and teachers of City of Malabon University (CMU) demanding immediate action on the delayed release of honorarium and salaries following reports of unpaid wages for over 3 months," pahayag ng alkalde.

Samantala, upang hindi na maantala muli ang parating na sahod, sinabi ni CMU – Vice President for Academic Affairs (VPAA) Dr. Glen de Leon na idinulog na nila ito sa city hall ng Malabon.

Ang city administrator na si Alexander Rosete ay nagbigay ng 72-oras na ultimatum sa Human Resource ng CMU para sa paliwanag sa hindi pagbabayad, habang ang City Chief HR na si Atty. Regina Casidsid-Portento ay inatasang tiyakin na i-turn-over ng CMU ang lahat ng hindi nabayarang payroll bago ang pagsasara ng business hours.

As of writing, wala pa ring natatanggap na sahod ang mga propesor ng nasabing unibersidad.