Mariing kinondena ng Commission on Human Rights (CHR) ang pagpatay kay dating Dipaculao, Aurora Vice Mayor, Engr. Narciso Amansec; kanyang asawa, Merlina Amansec; at ang kanilang driver na si Leonard Talosa.
Ang pag-ambush ay naganap noong Lunes, Oktubre 3, sa Barangay Dibutunan, Aurora.
Ayon sa CHR, ang insidenteng ito ay tahasang paglabag sa karapatang mabuhay.
Nagpadala na rin ang CHR ng Quick Response Operation para independiyenteng imbestigahan ang kaso nang makatulong sa pagkamit ng katotohanan at hustisya para sa mga biktima.
Dagdag pa ng komisyon na may pag-asang mahanap ang mga salarin dahil sa agarang aksyon ng pulisya.
Umaasa rin ang CHR na mananagot ang saralin sa pagpatay sa tatlong biktima.
"In a society that respects human rights and dignity, killings and other transgressions against human life have no place. Let us continue to resist normalising violence and start inculcating once again a culture that puts primacy to human life and rights," anang CHR.
Nagpahayag din ng pakikiramay ang CHR sa pamilya at mga mahal sa buhay ng mag-asawang Narciso at Merlina, gayundin sa mga naiwan ni Talosa.