Nakahanda na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na ipatupad ang Expanded Solo Parents Welfare Act.

Ayon kay DSWD Secretary Erwin Tulfo, maghihintay muna ang ahensya ng ilang araw bago ipatupad ang Implementing Rules and Regulations (IRR) ng nasabing batas.

“We have to give like about 15 to 30 days dahil ipa-publish pa ito sa mga pahayagan, sa media, bago ito maging fully operational," ayon sa kalihim.

Dahil napirmahan na aniya ang IRR ng naturang batas, dapat nang maghanda ang business establishment na sumunod sa mandatong nakapaloob sa IRR kung saan binibigyang ng karapatan ang mga solo parents na makatanggap ng mga discounts.

Probinsya

Lolang bibisita sa City Jail, timbog matapos mahulihan ng ilegal na droga

Idinagdag pa ni Tulfo na nagbibigay ng maraming benepisyo sa mga solo parents ang nasabing batas, bukod pa ang P1,000 na financial assistance na galing sa local government units.

PNA