Inanunsyo ng Department of Transportation (DOTr) nitong Sabado na sa Oktubre 3 pa ipatutupad ang taas-pasahe sa mga public utility vehicle (PUV).

Gayunman, sinabi ni DOTr Secretary Jaime Bautista nitong Sabado, dapat munang ipaskil ng mga transport operator at driver ang bagong fare matrix sa loob ng kanilang sasakyan bago sumingil ng taas-pasahe sa Lunes.

“Dapat makita ng mga pasahero ang bagong matrix. I will request LTFRB (Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), lahat ng sectors para 'di malito ang mga pasahero,” paliwanag ni Bautista

"Dapat ganon. Kaya Ang gagawin namin pag-igihan namin ang information drive lalo na operators ng jeepney para makita ng mga pasahero," anito.

“Napaka-liit ng kinikita nila dahil presyo ng gasolina, maintenance. Dahil may inflation, kailangan din natin ng increase ng pamasahe, matagal na sila nanghihingi pero dahil nagkaroon ng pandemya, hindi natin binigyan ng increase para hindi mahirapan mga pasahero,” banggit pa nito.

Matatandaanginaprubahan ng LTFRB ang₱1 na dagdag na pasahe satraditional at modern public utility jeepneys (MPUV) kamakailan.

Dahil dito, magiging₱12 na ang minimum na pasahe sa traditional PUV at magiging₱14 naman sa MPUV.