Pinagtibay ng House of Representatives ang isang resolusyon na nagpaparangal sa limang miyembro ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) rescue personnel na nasawi habang nagsasagawa ng rescue mission sa pananalasa ng super typhoon Karding.

Kinilala ng House Resolution No. 421 ang kagitingan nina Narciso Calayag Jr., Jerson Resurreccion, Marby Bartolome, George Agustin, at Troy Justin Agustin.

Ayon sa lokal na awtoridad, namatay ang limang rescue worker matapos silang tangayin ng flash flood habang nasa San Miguel, Bulacan.

Ang resolusyon ay ipinakilala ni Romualdez, House Majority Leader at Zamboanga City Rep. Manuel Jose “Mannix” M. Dalipe, House Minority Leader at 4Ps Party-list Rep. Marcelino Libanan, senior Deputy Majority Leader at Ilocos Norte Rep. Ferdinand Alexander A. Marcos, Tingog Party-list Rep. Yedda Marie K. Romualdez at Jude A. Acidre

National

‘Naka-red alert!’ PSC, dinoble seguridad ni PBBM matapos ‘assassination threat’ ni VP Sara

"While in the conduct of their rescue mission, the rescuers were wading through the flood when a wall collapsed on them and were dragged away by the raging flood. Because of the strong current of the flash flood that swept all five rescuers, none of them survived," anang resolusyon.

Matatandaan na sinalanta ng super typhoon “Karding” ang mga lalawigan ng Quezon, Aurora, Zambales, Tarlac, at Nueva Ecija, na nakaapekto sa mga kalapit na lalawigan tulad ng Bulacan at Pampanga, gayundin ang Metro Manila.

Ilan sa mga nakiluksa sa pagkamatay ng limang rescuers ay sina Bulacan Governor Daniel Fernando at Vice Governor Alex Castro.

"Sa ngalan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan at ng ating mga kababayan, ang inyong abang lingkod ay lubos na nakikiramay sa mga pamilyang naulila ng ating mga magigiting na rescue workers na nasawi habang tumutupad ng tungkuling mailigtas ang ating mga kababayan sa gitna ng hagupit ng bagyong Karding," ani Fernando.