Nakapag-uwi si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ng $3.9 bilyong halaga investment pledges matapos ang isang linggong pagbisita nito sa United States kamakailan, ayon sa pahayag ng Malacañang nitong Huwebes.
Sa pahayag ng Office of the Press Secretary, ang nasabing investment ay mula sa information technology at business process management, data centers, at manufacturing sectors.
Ayon sa Malacañang, maaaring makapagbigay ito ng mahigit sa 112,000 trabaho.
"The estimates do not reflect the full potential of future investments from several companies that the President and the trade department met while in New York," ayon sa Malacañang.
Matatandaang bukod sa pagdalo ni Marcos sa United Nations General Assembly (UNGA) sa New York City kamakailan, nakipagpulong din ito kay US Joe Biden, kasama sina UN Secretary General Antonio Guterres, at Japanese Prime Minister Fumio Kishida.
"I also spoke about my administration's priorities and plans for the next 6 years. And the engagement with Asia Society was a fitting end to a week in the UN and the United States that had one singular message: the time to invest in the Philippines is no longer just sometime in the future, it is now," bahagi ng arrival statement ni Marcos nitong Linggo, Setyembre 25.