Pinakikilosna ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang mga miyembro ng Gabinete kaugnay sa inaasahang pagtama ng super typhoon 'Karding' sa bansa.

"I am in constant contact with Defense Secretary Jose Faustino, who also chairs the NDRRMC (National Disaster Risk Reduction and Management Council), as well as with DSWD (Department of Social Welfare and Development) Secretary Erwin Tulfo and Secretary Renato Solidum of the DOST (Department of Science and Technology),” ayon kay Marcos.

Inatasan na rin ng Pangulo siDepartmentof the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalosna kumilos para sa posibleng paglikas, lalo na sa mababang lugar na madaling bahain.

Kauuwi lang ni Marcos sa Pilipinas nitong Linggo ng umaga matapos ang anim na araw na pagbisita sa Estados Unidos kung saan dumalo ito sa 77th session ng United Nations General Assembly (UNGA) kamakailan.

Sa abiso naman ngPhilippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), napanatili pa rin ng bagyo ang lakas nito at nagbabanta sa Polillo Islands na isinailalim sa Signal No. 5, kabilang na ang General Nakar at Infanta sa Quezon.

PNA