Nueva Ecija -- Inaresto ng pulisya ang isang lalaki matapos mahulihan ng limang payat na aso na inilagay sa tatlong sako na sinasabing ibinebenta umano para sa meat trade nitong Sabado, Setyembre 24.
Nahuli ng mga tauhan ng Peñaranda Municipal Police ang suspek na si Ruel Bote, residente ng Orange Village ng Brgy. Conception, Gen. Tinio, Nueva Ecija habang sakay ng kanyang motorsiklo na may dalang trailer.
Inutusan ni Police Regional Office 3 director Brig. Gen. Cesar Pasiwen ang kanyang mga tauhan na mahigpit na ipatupad ang batas na nagpoprotekta sa mga aso at iba pang mga hayop.
“We keep on reminding the public that they can be penalized once abuses are committed on their pets or to any other animals,”dagdag pa niya.
Nahaharap ngayon si Bote sa kasong paglabag sa RA 10631 o Animal Welfare Act of 2017.