Walang inilaangpondo ang administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa panukalang dagdagan ng benepisyo ang mga centenarian.

Ito ang natuklasan ni Senior Citizen Party-list Rep. Rodolfo “Ompong” Ordanes.

Hindi umano naisama sa 2022 national budget ang dagdag na₱500 na benepisyo ng mga senior citizen.

Aniya, dati nang hiniling sa Kongreso na bigyan ng pondo ang benepisyo ng mga centenarian.

Binanggit ng kongresista na nasa 700 centenarians ang hindi pa nakatanggap na₱100,000 na benefits dahil sa kawalan ng pondo kahit may batas.

Ayon sa kanya, kinamatayan na umano ng maraming centenarian ang hindi natanggap na benepisyo.

Nanawagan din ito na dapat na kalampagin ang Department of Budget and Management upang mapondohan ang benepisyo ng mga centenarian.