Isinusulong ni Senate Majority Leader Joel Villanueva na ipagbawal ang lahat ng uri ng online gambling sa bansa.
Ito ay sa gitna ng usapin sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) na sinasabing nasa likod ng sunud-sunod na insidente ng pagdukot sa bansa.
Sa iniharap na Senate Bill 1281 o "Anti-Online Gambling Act," nais nito na makulong ng hanggang anim na buwan ang sinumang naaaresto sa pagsusugal online, bukod pa ang multang hanggang ₱500,000.
“This bill seeks to prohibit online gambling and the placing of wagers or bets through the internet or any form of online gambling activities to prevent further deterioration of morals and values, encourage people to work instead of relying on a game of chance, stop addiction and save lives,” paliwanag nito sa television interview.
Kaagad namang nagpahayag ng suporta sa panukala si Senate Minority Leader Aquilino Pimentel III kasabay ng panawagan sa mga mambabatas na magkaisa at aprubahan ang panukala.
"Given what we’re seeing now as numerous ill effects of POGOs, the Congress has the moral duty to ban POGOs. We should act now," giit ni Pimentel.
Aniya, dapat ding pakinggan ng Malacañang ang panawagang i-ban na ang POGO sa Pilipinas.
“The continued operation of POGOs in the country is dangerous. It is akin to harboring would-be criminals and gangsters that can eventually cause massive disruption of peace and order in the country as we are beginning to see now with the spate of kidnapping incidence and other violent activities related to POGOs,” ayon pa sa kanya.