Lumipad na patungong Amerika si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. upang dumalo sa 77th United Nations General Assembly sa New York City.

Ito na ang unang pagbisita ni Marcos sa United States mula nang mahalal bilang Pangulo ng bansa.

"The UN is where the countries of the world congregate to discuss the most pressing challenges facing our people. Thus, it is important for us to participate in the general assembly and to make certain that our voice is heard," sabi ni Marcos sa kanyang departure speech sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA)-Terminal 2, nitong Setyembre 18 ng umaga.

"I'll be delivering our national statement on the 20th of September in which I will outline our expectations of the United Nations and the work ahead, the role our country will play and our contributions to strengthening the international system," pagpapatuloy ni Marcos.

Tiniyak ni Marcos na ilalahad nito sa naturang general assembly ang patuloy pagsusulong ng administrasyon sa pagbangon ng ekonomiya, food security at agricultural productivity.

"We affirm the country’s commitment to the ideals of the UN, citing its contributions to peaceful settlement of disputes and of international law and the highlighting the importance of the UN in fostering international dialogue and cooperation," banggit ng punong ehekutibo.

Kamakailan, bumisita na rin si Marcos sa Indonesia at Singapore.

Inaasahan namang aalis si Marcos sa New York sa Setyembre 24.